Results 1 to 10 of 10
-
November 22nd, 2014 10:43 PM #1
Hi Guys, need your inputs.
We have 2003 Ford Lynx Ghia M/T with only 39,XXX kms on its odometer. Minsan lang kasi talaga magamit pag may family trip lang. Siguro wala pa 1 year nung maexperience namin ng father ko na parang mahina ang hatak ng Lynx namin. Yup, medyo may katagalan na namin naExperience. Hindi na lang maipaayos agad kasi may iba pa kame ginagamit na sasakyan pag family trip, hindi kame kasya sa Lynx eh.
Dati kahit 3rd gear, malakas talaga humatak at kung hahapitin mo ang makina kaya niya umabot nang 80-100kph sa 3rd gear lang. Ngayon, kahit i-press mo na talaga ang gas nahihirapan na siya umabot ng 80kph, at 5th gear napapaabot pa naman ng 100kph pero talagang matagal bago maka-100kph, hirap na talaga ang makina.
Ano kaya ang problema pag ganitong parang ang hina na humatak ng tsikot? Napalitan na nga pala namin ng langis pero ganun pa rin ang hatak. Walang pinagbago, may kahinaan pa din.
Yung fuel filter, air filter eh factor din kaya sa paghina ng power?
Hindi pa namin agad mapapaayos ang tsikot, medyo busy pa kasi sa negosyo eh at yung mekaniko namin eh medyo madami pa din ginagawa. Gusto ko lang humingi ng inputs para sakaling available na para maipagawa eh maiicompare ko sa kung ano madidiagnose na sira ng mekaniko namin.
Thank you so much guys.
-
November 24th, 2014 09:04 AM #2
have it tuned-up. change spark plugs, air filter and fuel fulter.
if possible, have the throttle body cleaned.
-
-
November 25th, 2014 12:04 PM #4
Bring it sa casa, madali lang yan just like what 1D4 stated. I doubt your local mechanic can do baka kasi need some timing adjustment din via computer box nya.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2013
- Posts
- 2,537
-
November 25th, 2014 09:40 PM #6
-
November 25th, 2014 09:54 PM #7
*Stigg ma, gaano kadalas ang minsan. . . . kung gamitin?
Hmmm... Sa 1month siguro estimate ko eh around 100kms lang matatakbo nya. Pag may family trip kasi, yung Fort ang gamit namin kasi hindi kasya sa Lynx. Kung mga 2-3 members lang ng family ang may lakad or kung may trip kasama si gf, yung regalo sakin ni erpat ginagamit ko (Accent HB) matipid kasi sa FC. Kaya naging last option gamitin yung Lynx.
-
November 26th, 2014 12:11 PM #8
Check your fuel pump. It's an eleven year old car with only 39 k kilometers on it... and the in-tank fuel pump has been exposed to E10 gasoline for all those years.
I'm betting some of the rubber gaskets are crumbling from exposure to ethanol, and the engine is suffering from a poor fuel supply. It's happened to me already.
-
If not, there's the typical Lynx issues of cam position sensor and cracked ignition coils, but these will cause intermittent stalling, not poor power.
Ang pagbalik ng comeback...
-
November 28th, 2014 08:47 PM #9
Thanks Sir Niky. Pag available na mechanic namin, papatingnan na din namin yung fuel pump at yung ibang parts na post dito sa thread. Salamat po sa mga reply. More powers
-
December 3rd, 2014 03:37 PM #10
Up ko lang mga bro.
Finally, napaayos na namin si Lynx. Clutch Disc yung sira. Ayos, balik na ulit sa normal ang hatak. Sabi ng mekaniko namin eh titipid daw sa Gas ngayon kasi hindi daw hirap ang makina. Hindi na nag-Tune up kasi maganda daw naman ang andar. Yung tiningnan nya, tukoy na agad kung ano ang sira. Ibinaba niya ang transmission tas ayun, palit ng disc. 2,500 bayad sa labor tapos around 3,000 ang mga biniling piyesa.
Thanks mga bro.
sinabi moh! i hardly see my children now. when they were young, schedules were more predictable.
Traffic!