Bossing Native Kim, kakadeliver lang po ng 4x2 manual everest ko, so the fun starts na!

Although, hindi na ko nag test drive, I merely relied on what I read on this forum, so far, so good. Eto lang yung mga charactheristics na baka maging issue sa yo, minor lang naman, pero acceptable naman lahat sa kin:
1) Yung ride nya, siempre being pickup based, hindi sya kasing soft ng mga kotse/sedans, o yung mga "crossover type" na mid SUVs.
2) Turning radius, a little wider compared to the fortuner, pero acceptable din sa kin kasi yung Estrada nga namin, grabe, mas wide pa.
3) Siempre, mahaba wheelbase nya, so hindi sya kasing maneuverable compared sa ibang mas shorter ang wheelbase.
4) Yung handbrake/parking brake, sana ginawa na lang nilang parang pang kotse, sa tingin ko, kaya naman nila na idesign ng ganun.
5) The spare tire location, siempre, nasa likod, so ingats dapat kasi baka me maatrasan ka,
6) Yung aircon, di kasing lamig ng starex ko.
Any other major issues, malalaman natin later kung magkakaproblema later pero wag naman sana. Kumuha na rin ako ng extended warranty para wala na masyado isipin.
At eto naman dahilan kung bat' everest kinuha ko:
1) Great engine yung 145HP na 2.5, kasi you get enough power at matipid na rin naman. Yung 2.5 kasi ng fortuner, 105HP lang daw, at yung Sportivo, 88 HP lang ata. CRDi type pa sya, so good power at low RPMs.
2) Sya rin ata pinakamaluwag sa loob compared to the Alterra at Fortuner.
3) Easily removable pa yung 3rd row seat, so puede kargahan ng mga goods.
4) At just 1.2M average price, sa tingin ko, best value for your money.
5) Solve na solve ako sa manual, kasi A/T yung starex ko, at yung dating CRV ko, A/T rin. You get full control of the RPMs, power, torque, etc. Love ko rin pag kakaset up ng gear ratio nya, kasi, yung Pajero at Estrada namin, naka set up na very high torque at low acceleration sa 1st gear. Satisfied ako sa acceleration nito on the 1st gear.
Hope this helps, at sana, wag tayo magsisi, unang FORD ko pa naman ito. Antayin ko sana yung bagong Starex, kaya lang, parang baduy na pareho starex ride ko, he, he. At, nakakahinayang isabak sa malubak na Quirino Hiway ang starex. Sorry, haba ng post ko, excited pa kasi.
