Mobil 1 Delvac MX - 249.25/liter bottle at Ace Hardware
Its a bit cheaper (per liter) if you buy the 5 liters jug.
Di pa rin ako kumbinsido bumili sa mga distributors ng di kilalang oil company kasi di naman nila naveverify yung mga benta nila. Kung ano lang sinabi ng supplier nila e yun din ang sales pitch nila sa iyo. Kung baga binibili din nila sa mga reseller sa ibang bansa kasi kung direct buy sila sa manufacturer, meron minimum volume na magkakahalaga ng million of pesos. Dahil madalas nagkakaubusan ang bentahan dito sa atin, ibig sabihin tingi tingi lang din ang order sa abroad.
Tingnan mo na lang yung isang local oil player sa industry na nagooperate ng mga gas service stations din. Legitimate business na yan ha. Nahuli ng Customs sa technical smuggling. Para mapalusot na low quality fuel binili, hindi top class yung mga inarkilang barko kasama na sa pag handling so may epekyo yan sa final product quality sakaling i-"upgrade." To make a long story short, if a vendor want to profit, they will eventually find a way in the most imaginative ways. Hindi ko sinasabi lahat pero may posibilidad.
Ang mga horror stories: meron nagbenta ng 2T gawa sa refined used oil (broken down na ang mga oil molecules kaya madaling magsoot, minimum lubrication) , brake fluid na diluted (mahina ang kapit, kakalawanging ang steel parts) fake na grasa na halos viscosity improver lang laman (zero benefit dahil walang lubrication), imitation na engine oil nakalagay sa genuine na 4L, 1L na lalagyan (oil lang, mababa viscosity,walang additive kaya mabilis mag sludge sa engine, minimum lubrication). Kahit na good intentioned o innosente ang tindahan na binilhan mo, e may malaking unknown naman sa supply chain niya. Sa mga insidententeng ito walang police powers ang ibang brand unless brand nila ang napeke kaya DTI ang magpapaalis ng produckto sa merkado. Kung walang magtip sa DTI, tuloy pa din ang pagbebenta ng peke. Hanggang persuasion na lang ang magagawa ng local oil companies sa nagbebenta. E di ba subok na ang Pilipino na magaling sa pamemeke. Kaya nga sa katagal tagal ng panahon (simula kay Cory administration pa) na may PDAF eh ngayon lang natin nalaman ang mga pekeng NGOs dahil sa isang whistleblower. Para din ang mga NGOs ay brand ng oil. Madami bibibenta sa merkado pero di kilala ng karamihan ang mga ito.
Para sigurado sa langis na mabili mo ay safe, gumamit ng engine oil gawa ng kilalang oil companies, with local technical support. Kasi ang mga kompanyang ito sila mismo ang nag momonitor ng brand nila at nagkukusa hanapin ang mga peke nilang produckto sa local market.
Ang choice ng Mineral, Semi o Fully Synthetic ay in terms of good, better, best option. All will work in the engine, i-adjust lang ang oil change interval, as long as nasunod mo ang recommended API grade atsaka SAE viscosity rating na nakasulat sa manual kung everday use lang naman. Mag special oil ka na lang kung gagamitin mo ang sasakyan mo sa non-normal city driving conditions, halimbawa drag racing, drifting, offroad track sa muddy terrain, or desert/cold temperature travel. Kung nakakalito pumili ng brand ng oil, talagang nakakalito ang choice kung i-coconsider mo lahat ng brands. Pero kung i-aassess mo ang risks, pinakamadali ang recommendation ng auto manufacturer kasi na dynamo bench test na nila ang engine gamit ang recommended oil.
specs-wise lamang ata Mobil 1 Delvac MX pero was mahal sya. huli kong tingin sa ACE at True Value nasa Php250.00++ sya.
mas mataas TBN ng Delvac compared sa DGU (12>10.2) pero kung sa gas engine mo sya gagamtin, mataas na ata ung TBN na 10
http://www.caltex.com.au/FPL%20PDS/D...ld%20Ultra.pdf
Mobil Delvac MX 15W-40
^
okay, thank sir. mahirap kasi hanapin nug Delo 400. pero ung DGU readily available.