New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 9 FirstFirst 12345678 ... LastLast
Results 31 to 40 of 81
  1. Join Date
    May 2009
    Posts
    3
    #31
    Quote Originally Posted by mark_t View Post
    Minsan style lang yon mainit ulo. And you have to get rid of those driver na nag death threat.
    Hello,

    Sounds like meron kang experience tungkol sa taxi business. Bumili ko ng vios 1.3 e last year for family vacation pero walang gumagamit kapag nandito kami sa LA. Sa tingin mo ano ba ang procedure to start a taxi business.

    Thanks,

  2. Join Date
    May 2009
    Posts
    3
    #32
    i go to the philippines every 6 months for vacation. i decided to buy a vios 1.3 e. i want to make it into a taxi . what is the first thing i need to do. thanks!

  3. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #33
    ^^ E? sayang naman, sana J na lang

  4. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    232
    #34
    [ame="http://www.youtube.com/watch?v=ldyPC9s_wyo"]YouTube - Hyundai Manila: Brand New Hyundai Accent (for sale)[/ame]


    Yung ibang taxi operator na naging client namin nag shift o nag invest na sa Hyundai Accent dahil Diesel ang gamit, CRDi na ang makina may VGT (Variable Geomety Turbo) pang kasama in short malakas ang torque and power; (1.5 Hyundai Accent) 108 hp * 4000 rpm and a torque of 235 Nm * 1900-2750 rpm compared to (1.3 Toyota Vios) na 85 hp * 6000 rpm and a torque of 122nm * 4000, kinda underpowered and gasoline (magakano na ba ngayon?) pa ang gamit medyo kailangan pang tapakan ang gas pedal lalo a pag fully loaded ang karga tapos, lpg loss power naman sa unit mo kahit ang octane rate niya eh 100+ and extra load pa sa likod.

    Should I include the Sentra dito?

    Also it has
    5yr or 100,000 kms (which comes 1st) not bad for a business di ba?

    Yun lang.

    Anyway if your interested to buy a Hyundai Accent 1.5 for this business (taxi, rent a car, or shuttle service) pm me lang I'm working kasi sa Hyundai and those who are planning to buy in bulk order minimum of 4 may variant kami dito at mas mura siya.

    Thanks

  5. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1
    #35
    Mga Brads,

    Actually we managed to secure a franchise and hoping marelease na in a couple of days.

    It took almost 14 months to get this far and last update was that its ready for plate changing, meter change ek ek..

    I will post as soon as the yellow plate comes out..

    All the best,
    Tonyszm

  6. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    6
    #36
    Makasali na din ako mga sirs,

    How much was the cost of acquiring the franchise and how many fleet is the minimum? TIA


    Quote Originally Posted by anthonyszm View Post
    Mga Brads,

    Actually we managed to secure a franchise and hoping marelease na in a couple of days.

    It took almost 14 months to get this far and last update was that its ready for plate changing, meter change ek ek..

    I will post as soon as the yellow plate comes out..

    All the best,
    Tonyszm

  7. Join Date
    May 2009
    Posts
    83
    #37
    magkano na ba ang 2nd hand na franchise ngayon? madali bang malaman kung legit yung bibilhin kong 2nd hand franchise? plan ko sana mag-start sa isang unit ng Vios J. ok lang ba na hindi ko na ito ipa-convert sa LPG? magkano na ba ang boundary ngayon pag brand new tapos 24hrs? kung semi-straight (6am-10pm) magkano na kaya? hindi na kasi ako nakakapag-taxi kaya wala na akong matanungan na driver. last question, gaano katagal bago mailipat sa bagong unit ang franchise?

  8. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    92
    #38
    +1 ako dito. Open na ba ulit ang LTFRB for new application? Anong Minimum Fleet? and anong rough cost(s)?

    Thanks in advance sa mga Guru

    Quote Originally Posted by Khurais View Post
    Makasali na din ako mga sirs,

    How much was the cost of acquiring the franchise and how many fleet is the minimum? TIA
    Quote Originally Posted by anthonyszm View Post
    Mga Brads,

    Actually we managed to secure a franchise and hoping marelease na in a couple of days.

    It took almost 14 months to get this far and last update was that its ready for plate changing, meter change ek ek..

    I will post as soon as the yellow plate comes out..

    All the best,
    Tonyszm

  9. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    13
    #39
    Quote Originally Posted by dencio1976 View Post
    ah prehas tayo pre. my dad's been in the business since 70's pa.

    hmm:

    1.) d ako makacomment masyado regarding paperworks ng taxi(particular sa franchise/ltfrb). sobrang madugo yun. andami ek ek talaga as in pahihirapan ka. masama nyan lolokohin ka pa. sa case namin, meron kaming tiga lakad na napagkakatiwalaan naman kahit papano. sobrang tagal lang talaga. dito pa lang headache na. dapat din na kumpleto ka sa papers as in lahat legal. dami hassles nyan along the way pag may butas ka regarding paper work.

    pagstart mo ng taxi advisable na meron kang franchise for a bnew car or second hand taxi na legal lahat ng papers. hindi nagbibigay ang LTFRB ng single line franchises unlike nung 90's. last i heard e 10units ata or 20units ba yun para makapagopen ka ng franchise. tapos, ang sobrang tagal pa ng process as in! mga 1yr mahina siguro pag ala ka franchise na ready. pero depende yan pagmay kakilala. so malaking malaking bagay na may kakilala kang mapagkakatiwalaan. kung meron ka nung connection na yun.. set ka na for 1st step.

    2.) dapat talaga marunong ka sa maintainance ng car. kasi, andaming manloloko na mekaniko lalo na sa banawe area. tapos pag alam ng driver na hindi ka marunong sa maintainance, madalas kang istyle-an nun. mga palusot lalo na pagmahina pasada. tapos pag ala ka ding on-the-spot maintainance crew o ikaw mismo, (lalo na paglagi sira sasakyan) chances are lagi ka iiwan/lalayasan ng driver mo.

    3.) dapat mahaba ng sobra sobra pasensya mo. lalo na sobra sobrang daming pilosopong drivers. yan ang pinakabadtrip that this business has to offer. ingat ka sa pananalita sa drivers. baka gantihan ka to that extent.

    4.) pag ok ka sa lahat nang yan e ayus talaga ang taxi. sa 94-97 corolla (bigbody) pag lpg units ang boundary is 1-1.2k. sa 98-2005 na corolla (lpg din)(lovelife) 1.3-1.5k. sa vios d ko alam kasi ala kaming vios. so typically, pag may 10units ka ng bigbody sa 1.1k(our boundary) mga 200k gross nyan.
    pero malaking factor dyan driver talaga. pagnagabsent lang yan laki bawas agad sa expected gross.

    5.) choosing your taxi properly. absolutely no lancers! ganda lancer pag private kasi sa stock pa lang e daming setup sa camber/toe sa rear ng lancer. pero sa taxi, big source of headache yan. that is why bihira ang taxi na lancer. pero tibay engine ng lancer n sentra as compared with corolla's 2E. pero the thing with 2E is sobrang panis nya ayusin. kaya sakin kahit anong engine. pero syempre i prefer the corolla talaga sa taxi. even bignames like R&E/MGE/EMP puro toyota yan. pero in fairness, sobrang matibay din ang sentra series III. lalo na yung panglikod nito. IMO, pag dependent ang suspension system ng likod, the better choice talaga sya. napansin ko na yan sa vios which has a dependent suspension setup unlike the early corolla's na independent suspension setup. (do your research na lang and pashare na din kung bakit)

    6.) when it came to damages, syempre dahil walang pangbayad ang driver, ikaw magsho-shoulder nito. pero syempre huhulugan nya yan as long as na sa iyo sya nagwowork. pero may mga cases kunwaring natotalwreck yung car, lalayasan ka na ng driver. dapat handa ka. worst nyan... nakabangga ng bnew na mamahaling sasakyan. pagkonti lang units mo... u'll be crushed. kaya, again, hawak ka sa leeg ng driver na pinipili mo. so be very careful sa driver na pinalalabas mo.

    share ko na din, last month bumangga taxi namin sa isang bnew na crosswind. tumaob yung crosswind tapos yung taxi namin total wreck yung unahan sabay dedo pa yung driver namin. total loss namin sa side pa lang namin... i'd say mga 40k+. yung crosswind naman dahil unlicense yung driver... sila na nagopt samin na magbabayad sila ng hospital bill just to keep it under wraps. masakit pa din yung nangyari na yun. since 52 units namin(currently) ayus lang naman pero may namatay kaya u've to bear with it din.

    7.) dapat love mo talaga ang car. me, i love cars. kahit hindi ako ng formal schooling ng pagmemekaniko, natuto din ako kaka DIY n tanong sa dad ko. pag d mo love ang car e wag mo na pasukin to at naku, eto na lang siguro para sakin ang gusto ko about this business. sabi nga ng mom ko, i-business mo ang hobby mo. you'll be happy/entertained while earning. also, kung anu business mo, yan ang madami mo. pagbusiness mo about cars, madami kang cars, pagbusiness mo food/kainan, mdami ka food.. and so on.

    8.) since na sa public service ka, iisipin mo kalagayan ng drivers n passengers. mga benefits nila. like hindi enough na tumatakbo lang ang taxi mo. kelangan maganda din ang car like, walang kalampag masyado, malamig na a/c and most of all(para d ka layasan ng driver) matipid sa fuel consumption. pag d happy ang passenger, layasan ang driver mo. pag d happy ang driver mo kasi ayaw sya sakyan, d ka din magiging happy kasi lagi yan short boundary or lalayasan ka.

    OPINION ko para sa units ko:

    A1 maintainance/ayus na paper works(lahat legal)/maayos na pakitungo sa drivers/mahabang mahabang pasensya/time management. yun lang sakin

    personally, i dont intend to stay long sa taxi business. enough na lang na makaipon ako for my retirement tapos down to 10units na lang para d sakit sa ulo. pero may style pa talaga sa taxi na dapat kong matutunan e. like for some big companies, meron silang over 1k units. andame! how?! sa pagmemaintain ko ng 52units with some helper mechanics with my dad along with an expert electrician e, i barely get to see my family nor have the time for personal stuff.

    kaya sa nagbabalak mag taxi e, think long and hard...
    Thank's for the information.. Actually yan ang balak kong business.. baka this march masimulan ko na...medyo nakakatakot nga lang pero for me business is a business lahat naman siguro ng business ay may risk it's up to you to eat those risk ahead...for me I want to pursue pa rin ng Taxi business though it's scary at first..

    Question:

    May mag lalakad ng franchise ko. Meron na daw yung pagkukuhaan ko mga 100 case/franchise na inaantay yung desisyon..pwede ba yun ang sabi nya, pag lumabas daw yung desisyon isasama nya ako sa list?.. kasi sa ngayon 20 per unit na ang per opertors.. eto ba yung na ririnig ko ( kasi I'm asking it and searching it sa internet and forums) na KABIT daw? legal ba yun? e di sa pangalan nya yung franchise? If ever pwede ko ba yun ipa tranfer sa name ko? kahit through notary lang? o baka panibagong Desisyon n nanaman?

    Any one?

    Thank's

  10. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    13
    #40
    Sa mga operator ng taxi baka meron kayong binebentang Franchise budget ko mga 30k lang..I hope may mag benta..

    To all na operator na..

    1. Magkano ang tax na binabayad can you give an example computation?
    2. Anong brand ang pwede interms of availability of Parts and affordable prices:
    Toyota vios, Hyundai accent, Suzuki alto, or Nissan sentra?
    3. In terms of maintenance sino ang less expensive amoungst the above mentioned brand and model?
    4. Ok lang ba mag start ako sa isa muna na brand new at naka financing sya?then after a year kuha ako agad ng 3 units since may papakita nako sa bank na may business ako't makaka hiram ako ng certain amount pang cash out sa 3 units + franchise?
    5. Can I rely on my brother 27 yrs old as a driver or my uncle na 50's ang
    edad with family na?
    6. May pagawaan ba ng parang sa ibang bansa na "safe guard" o bullet proof na glass around sa driver para panglaban sa hold up? Magkano?

    that's all for now...Thank's

Page 4 of 9 FirstFirst 12345678 ... LastLast
Taxi Operator Business 101