
Originally Posted by
stavros
Share ko lang ginawa ko technique ng last time nag auto loan ako. Nagapply ako sa bpi, psbank and metrobank. Psbank pinakamababa at 22.65% for 48 months. Ginawa ko tinawagan ko bpi sinabi ko yung psbank nag offer ng 20.65%, binawasan ko talaga ng 2% yung original offer. Tinapatan nila from original offer of 23.75%. Tinawagan ko naman metrobank and sinabi ko na bpi binigay 19.65%, binawasan ko ng 1% from original figure, tinapatan,ulit ulit lang ako pagtawag sa tatlo habang binabawasan ko mga offer nila, ayun nakuha ko psbank ng 15.24% in 48 months.that was june last year. Ganyan technique din ginawa ko sa casa naman, dalawang casa kunyari may freebies na ganito ganyan pero wala naman, every negotiate ko may nakukuha ko freebie na kunyari ibibigay kabilang casa. Sa dami ng mahal na freebies na nakuha ko at sa baba ng interest rate, sulit yung auto loan ko.