
Originally Posted by
EL Chicane
People's Gen din ang insurance ko. Nag-claim ako this later part of 2010, nabangga kasi yung Toyota ko. First time kong mag-claim.
Dinala ko sa casa ng Toyota yung kotse ko. Nag-fill-up ng claim form, tapos attached yung mga pictures nung damage. Taga Toyota yung nag-inspect nung damage sa sasakyan, so validated nung Toyota yung mga damage.
Bale inabot ng 1 month bago na-approve yung claim ko. Wala namang hassle, naghintay lang ako ng claim. Yun nga lang, kailangan mo pa sila tawagan para i-follow-up. Hindi ko alam kung matagal yung 1 month waiting for approval, wala kasi akong comparison eh.
So dahil wala namang hassle akong na-encounter with People's, ni-renew ko yung insurance ko with them again this 2011. Yun nga lang GRABE ang raket nung mga ahente nila!!!!!!!!!!
Isipin mo, yung unang quotation na binigay nung agent sakin nag-tawaran kami hanggang sa 16,000 pesos ang nabawas sa original quoted premium niya! Tragis talaga.
Mabuti na lang kamo, nagpa-quote ako sa ibang insurance at tinapal ko sa People's Gen yung quotation nung iba. Tinapatan naman nila.
Pero grabe talaga, kung hindi ko pinag-tapat-tapat yung mga quotations eh 16,000 ang ma-i-bubulsa nung ahente ng Peoples. Grabe talaga ang raket ng mga agents. Tsk tsk!