Nag follow up ako sa Ortigas, 2 months & 5 day after I brought may Avanza.
At last ang gumagawa na ang kausap ko - Body & Paint Section ang responsible sa flooded units.
Nalinis, nabaklas & reassembled na ang car. Pinalitan din lahat ng fluids. May report na sila ng sira & needed replacement. Dale ang ECU ko.
Tamang tama, nandoon din inspector ng insurance. Nakita ko ang unit. Gagawa rin sya ng report, then for approval. Saka pa lang lalabas ang LOA.
Tiyak na wait ako ng 45-60 days pa para sa parts dahil sa ECU.
Sabi ng Toyota, procedure daw ng Standard Insurance na re-check lahat ng recommended nilang gagawin. Kinukuha rin nila ang parts for re-checking. So hindi sigurado na papayagan nilang palitan lahat. Swerte yung may insurance na pag recommended ng Toyota na gawin, wala ng tanong tanong, gagawin agad.
Mali yata ang nakuha kong insurance.
