New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 20 of 35 FirstFirst ... 1016171819202122232430 ... LastLast
Results 381 to 400 of 1163

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,455
    #1
    Mga Sir, tanong ko lang kung anong oras bukas yung shop ni Mang Mario? Baka punta po ako dun bukas ng umaga kasi yung aircon ko parang hangin na lang binubuga. Ano kaya problem nito and magkano kaya magagatos para dito? Thanks!

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    Mahal na ang Php 5,000.00 for the repairs na pinagawa ko. Depende pa din sa sira siyempre. 8am ang opening nila. Kung napaaga ka, pagbubuksan ka naman nila since dun sila nakatira.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,455
    #3
    Sa wakas, pumunta na ako kay Mang Mario kaninang umaga. Salamat po doon sa map na naka-post doon sa isang thread kasi di me naligaw. Isang tanong ko lang doon sa isang mama then isang kanto na lang pala ako. Pagdating ko doon, inasikaso agad ako noong isang tauhan ni Mang Mario to diagnose the problem. Buti na lang 2nd customer me. hehehe

    FINDINGS:
    May leak yung valve pipe and saksakan ng dumi yung evaporator and aircon blower!

    SOLUTION:
    Pinalitan yung gasket sa valve and nilinis yung evaporator and blower.

    After 1 1/2 hour, open aircon...Whoa! Super lamig na ng aircon! Nung time na magbabayad na ako. I was expecting na around 2K or more yung labor but I don't believed it! P600 lang po yung damage. To think 3K pa nga withdraw ko sa atm just to make sure. Although balik sukli kay misis. hehehe

    Salamat sa mga nag-refer kay Mang Mario! Mang Mario is the best!

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    347
    #4
    good to hear about that sir..

  5. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    961
    #5
    Mang Mario! Di ko mahanap bahay nyo!!! Pagawa kayo ng malaking Signage!!!

  6. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,107
    #6
    Quote Originally Posted by seonadancing
    Mang Mario! Di ko mahanap bahay nyo!!! Pagawa kayo ng malaking Signage!!!
    146 F. Santiago St. magtanong ka lang sa tricycle drivers alam nila yon, katabi ng bahay nila yung tricycle terminal.

  7. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    58
    #7
    Hello po, pwede po magtanong ng simple directions papunta kay mang mario? Galing Mindanao avenue (yun may Mcdo sa kanto).

  8. Join Date
    Nov 2003
    Posts
    64
    #8
    Quote Originally Posted by Vinsanity
    Hello po, pwede po magtanong ng simple directions papunta kay mang mario? Galing Mindanao avenue (yun may Mcdo sa kanto).

    Eto po location nya...

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #9
    Andun ako kanina. Kita ko si johnart nagpapagawa ng Corolla. hehehe.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #10
    Quote Originally Posted by OTEP
    Andun ako kanina. Kita ko si johnart nagpapagawa ng Corolla. hehehe.
    master OTEP, andun din ako last Saturday. Nakita nga kita nung dumating ka, pero naghesitate ako batiin ka dahil medyo...errr...naging chubby ka yata hehehe.
    ako yung naka bullcap na may green na crosswind na ginagawa sa harap ng gate :D di nako nakikuwento...binalato ko na kay Johnart yung mga kwento ni mang mars
    as usual... na solve ulit nila mang mars yung a/c problem ko. pinhole leak sa hose ng low pressure side ng compressor. galing magtrouble shoot nung isang tao ni mang mars. kuha nya agad problem kaya solved agad.

  11. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    551
    #11
    Quote Originally Posted by rsnald

    bossing di kita nakilala sana sumama ka sa pagkwento ni mang mario mabait naman sila

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #12
    Quote Originally Posted by rsnald
    master OTEP, andun din ako last Saturday. Nakita nga kita nung dumating ka, pero naghesitate ako batiin ka dahil medyo...errr...naging chubby ka yata hehehe.
    ako yung naka bullcap na may green na crosswind na ginagawa sa harap ng gate :D di nako nakikuwento...binalato ko na kay Johnart yung mga kwento ni mang mars
    as usual... na solve ulit nila mang mars yung a/c problem ko. pinhole leak sa hose ng low pressure side ng compressor. galing magtrouble shoot nung isang tao ni mang mars. kuha nya agad problem kaya solved agad.
    Yikes, sayang hindi tayo nagkita. Hehehe. Kahit toxic ako, tumataba pa din. Baka maabutan ko na si Mang Mar! hahaha. This weekend pa ko siguro makakabalik.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  13. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    103
    #13
    Napaka simple lang ang pagpunta kay mang mario, sa likod lang sila ng SM City north edsa, May Map dito sa thread na ito hanapin mo lang, at kung pagpunta mo ay medyo ligaw ka pa rin, mangharang ka ng tricycle driver at mag pahatid ka sa Fort Santiago st. kilalang kilala si Mang mario dun. paminsan minsan hindi lang dapat mata ang ginagamit sa paghahanap, dapat minsan ginagamit din ang bibig para magtanong!

    Peace!

  14. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    551
    #14
    otep,

    long time no see. The last time we meet was in the fort offroading na pinigil ng mga guards dala ko crv that time Galing nga ni Mang Mario galing sa pabango kaya barado ang aircon ng corolla

  15. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    961
    #15
    Sa wakas nakita ko na din yun bahay! Thank you!

  16. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    77
    #16
    yup galing din ako kila mang mario last saturday bait pla ni mang mar...at galing gumawa.laki ng aso nila...lite ace dala ko nun...mga 10 am tapos n agad... imagine repair ng switch linis ng condenser for 600 pesos..? san k nakakita ng ganung aircon mechanic...? slamat po boss otep.....

  17. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    641
    #17
    Yesterday, I was at Mang Mario's place. Medyo naligaw nga lang pero it's worth the trip. Naayos na rin sa wakas problem ng aircon ko. May tagas yung cooling coil so replacement was made. Super dumi pa nga nung coil. I tried the replacement/fabricated cooling coil based on Mang Mario's and Norman's recommendation. Total bill: 2,600 pesos - labor (kasama cleaning ng blower, pati glove box), freon, oil and cooling coil with one year warranty. If original cooling coil, around 7K ang gastos.

    Very satisfied ako sa naging result.

    Kakatuwa, di nakalimutang linisin ni Norman yung dashboard na narumihan during the work process.

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #18
    I was there last Saturday (March 25) having my auxillary fan motor replaced. SRP for the service was Php 1,800.00. Your haggling skills may vary.

    Also saw tsikoteer Jimbob having his Crosswind checked.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  19. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    961
    #19
    Tamang tama yun pag paayos ko ng AC, ang init na ngayon. Ok na yun AC ko, palit compresor, although lahat ng pinag tanungan ko before nag leleak daw yun evaporator ko, sabi naman ni mang mario ok pa daw yun yun tsaka yun dryer ko. Lamig na ngayon tsaka parang di na hirap yun blower, wala ng ungol. =) Sana tumagal yun lamig.

  20. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    344
    #20
    Bukas ng 7am nasa bahay na ko ni Mang Mario!

Aircon Repair: Mario Reyes